-
GoGo Tips & Tricks: What is a delivery attempt and what are the most common reasons for unsuccessful delivery?
Ano ang delivery attempt?
Ang delivery attempt ay kapag sinubukan ng rider na i-deliver ang package mo sa address na binigay mo. Karaniwan, hanggang dalawang beses susubukan ng rider na i-deliver ito kapag hindi ka available sa unang beses.
Ano ang mangyayari kapag hindi na-deliver ang package?
Kapag hindi na-deliver ang package sa unang attempt, karamihan ng couriers, kasama na ang GoGo Xpress, ay susubukan itong i-deliver muli sa susunod na araw ng trabaho. Pero may mga pagkakataon na kailangan nang ibalik ang package sa seller, o tinatawag na RTS (Return to Sender), lalo na kung hindi na pwede ang pangalawang attempt.
Makikita mo rin sa tracking details kung bakit hindi na-deliver ang package. Heto ang mga karaniwang dahilan:
- Consignee Unavailable – Walang tao o recipient nung dumating ang package.
- Maling Address o Walang Access sa Delivery Location – Mali o hindi ma-access ang address na binigay.
- Office/House Closed – Sarado ang bahay o opisina nung time ng delivery.
- Walang Payment – Kailangan I-reschedule – Walang bayad na naihanda para sa package.
- Incomplete o Hindi Mahanap na Address – Hindi kumpleto o hindi makita ang address.
- Consignee Unknown – Hindi nakilala ng rider kung sino ang tatanggap ng package.
- Force Majeure – May mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng bagyo o aksidente na nakakaapekto sa delivery.
- Iba pang Dahilan na Hindi Kontrolado ng Courier – Mga ibang sitwasyon na wala sa control ng courier.
Outright RTS (Return to Sender – After First Attempt Only):
- Refused to Accept – Tinanggihan ng recipient ang package.
- Damaged Item – Nasira ang item kaya hindi na ito nade-deliver.
- Out of Delivery Zone (ODZ) – Nasa labas ng service area ang address na binigay.
Mga paalala para siguradong maging successful ang delivery mo
- I-double Check ang Details – Siguraduhing tama ang pangalan, address, at mobile number na ibinigay mo sa seller. Iwasan ang typo o maling detalye para hindi magkaproblema.
- Mobile Number Lang – Siguraduhing mobile number ang ibibigay at hindi landline para mas madaling makontak ka ng rider.
- Humingi ng Picture ng Item Bago I-ship – Pwede kang humingi ng picture sa seller para makita kung maayos ang pagkakapack ng item bago ito ipadala.
- Ihanda ang OTP at Payment – Para walang abala, ihanda na ang One-Time Pin (OTP) at payment bago dumating si rider.
- Kontakin ang Delivery Rider – Makakatanggap ka ng SMS na may contact number ng rider. Pwede mong tawagan ang rider para sa karagdagang instructions o directions.